PATAASAN NG PANGARAP

Posted by Edgar Mejia on

.
Ang aming training ay nagsimula pa isang dekada na ang nakalipas, tanungin nyo kami ngayon kung marunong kaming gumawa ng tinapay, alam namin itong ipaliwanag at ang kaibahan nga lamang kaya namin itong ituro. Ituro ng walang kadamutan, para pakinabangan at pagsimulan din ng iba.

"Wala ba kayong branch malapit sa amin? Nasan ang bakery nyo? Gusto sana naming magtayo ng bakery, puede po bang LIBRE, matutulungan nyo po ba kami?" Ang mahal naman ng 999! Ilang araw ba ang training? Kadalasan tanong sa amin ng mga nag-iinquire araw-araw dito sa sa aming page messenger.

(Pag ayaw mamuhunan sa karunungan, puede po kayong manood sa @Tiktok at @Youtube - Libre daw!)

Dito mismo sa loob ng aming bakery. Puedeng online o actual hands-on, pakikiharapan kita. Pagpasok mo pa lang sa aming venue, nakuha mo na halos ang aming trade secret. Bawal tumambay sa loob ng bakery, try mo dyan malapit sa inyo kung papayag ang owner na paharang-harang, nangunguyakoy ka at feeling special guest sa kanilang working area.

"Opo! Kahit isang araw lang, matututo kayo!" reply ko naman. Welcome po kayo.

Pero ang katotohanan nun, ang ituturo namin sa inyo ay ang resulta na ng marami naming mali. Mga struggles sa loob ng bakery na hindi na nai-video, mga sakit ng ulo na hindi nagpatulog sa amin at mga hindi mabilang na nasayang na harina sa marami naging pagkakamali.

Sarili naming karanasan, at malalim na hugot sa nakaraan.

Hindi puedeng sarado ang isip mo, na komo't alam mo na ang recipe, nasubukan mo na minsan at marami ka ng na-attendan na training o sandamakmak na vlogger na napanood mo na gumagawa ng tinapay, ay alam mo na lahat. Ang pag-aaral ay hindi natatapos sa isang baso lamang na laging puno at umaapaw. Dapat meron laging puwang para tayo magdagdag ng kaalaman. Iba ang uhaw sa karunungan at iba ang kontento na lamang.

Ngayon, ang aming bakery pag hinanap nyo, upgraded na. Yung kasabayan namin sa #Foodpanda at #Grabfood ay mga hindi pipitsuging bakeshop o franchise lang. Mga sikat at imposibleng tapatan. Sabi nga eh, para sa mga maseselan ang panlasa pagdating sa pagkain o tinapay.

Ang pagbe-bakery ay hindi paramihan ng pera, ito'y pataasan ng pangarap. Kung mamumuhunan ka ngayon at iniisip mo biglang yaman ka dito - Naku, teka! pag-isipan mong maigi, baka iasa mo lang sa panadero o ibang tao ang puhunan mo, mapunta lang sa kawalan.

Pag may pangarap ka, hindi mo alintana ang hirap para sa kinabukasan. Nagiging madali ang lahat pag nasa puso at gusto mo ginagawa mo. Ang importante masaya ka para sa sarili mo, pamilya at kapwa mo.

Everyday is a blessing 🙏🏻

EM🧡M 2023
www.emmbaking.com

#emmbaking101 #EMM2023 #ClassicBreads #BreadMaking #Bakery #Philippines #AuthenticRecipe #Legit #HandsOn #FaceToFace #OnlineWebinar #FoodpandaVendor #GrabfoodMerchant
#BakeryEquipment
#Reels #Reel #ViralReels #FBReels #ReelsFacebook #Stories #Health #Malunggay #Pandesal #Training #Face2Face #PHReels #PinoyReels

📷 DUMOG, 2014

Share this post



← Older Post Newer Post →